Flores De Mayo ng Super LOLOs at Super LOLAs

Makulay! Maningning! Masaya! Ilan lang yan sa pagsasa-larawan sa naganap na Flores de Mayo para sa Senior Citizens ng Lungsod ng Maynila na naganap kamakailan sa Luneta. Isang special project ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) at handog din ni Mayor Joseph Ejercito Estrada sa mga Super Lolo at Lola ng Maynila, dumagsa sa Senior Citizens Garden ng Luneta ang may 400 na nagga-gandahang lola na suot ang kanilang mga eleganteng gown, habang ang mga lolo naman – at maging ang mga “Constantino” – ay matikas na pumarada suot ang kanilang mga coat and tie o barong. Ano nga ba ang edad kung hindi numero lang? Dahil dito sa Maynila, nakay Lolo at Lola ang werpa! (Photo credits to Nelson dela Cruz)