Flag Raising

Nagbigay ng maikling mensahe si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada kaninang umaga sa lingguhang Monday morning flag raising, at, tulad ng inaasahan, galak na galak at naghiyawan ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa pahayag ni Mayor ukol sa matatanggap nilang karagdagang benepisyo. Ayon pa kay Mayor, umaasa siyang ang karagdagang benepisyo ay magsisilbing inspirasyon upang higit pa nilang pagbutihin ang kanilang paglilingkod sa mga Manilenyo. (Larawan ni Joel Santos)