Feeding Program Para Sa Mga Paslit

feeding program

Dumalo kanina si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada sa paglulunsad ng “Knorr Lutong Nanay Feeding Program” sa Don Bosco Youth Center, Tondo. Matapos magbigay ng maikling mensahe ng pasasalamat sa Unilever na pangunahing sponsor ng programa, at sa iba pang nakipag-tulungan kabilang ang Mead Johnson, Kabisig ng Kalahi, at ang Manila Dept. of Social Welfare, nakipag-pulong si Mayor Erap sa mga kinatawan ng mga nabanggit na kumpanya/grupo at ininspeksiyon ang mga ihahain para sa mga batang isasama sa feeding program. (Larawan ni Joel Santos)