“Erap All-Star” rubber shoes, Ipinamahagi Na!

HETO NA ANG ERAP ALL STARS! Ang mga mag-aaral ng Bacood Elementary School ang mga naunang nakatanggap ng kanilang pinananabikang “Erap All-Star” rubber shoes, mula mismo kay Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada. Pormang Chuck Taylor at gawa sa matibay na materyales, inaasahang matagal na magagamit ang mga ito ng mga estudyante para sa iba’t ibang school activities. Sa mga susunod na araw ay matatanggap na rin ng mag-aaral sa iba pang public elementary and high schools sa Maynila ang kanilang Erap All Stars. Kayo na talaga, Kabataang Manilenyo!