Dubai Housing Project

dubai housing project

Buong tuwang tinanggap ng mga beneficiaries ng Dubai Housing Project sa Baseco Compound ang kanilang Certificates of Usufruct bilang patunay na sila ang mga unang makikinabang sa nasabing proyektong binuo ng Department of Interior & Local Government at ng Lungsod ng Maynila. Ang isa ngang beneficiary ay hindi nakapag-pigil at lumapit pa kay Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada upang maibulong ang kanyang pasasalamat at makahalik sa kanyang iniidolong si “President Mayor Erap.” (Mga larawan ni Joel Santos)