Clearing operations sa Raon

Raon clearing op

ANG RAON NGAYON. Namangha ang mga pedestrians sa linis at lawak ng Raon matapos ang isinagawang clearing operations dito ng Manila Department of Public Services kahapon. Ayon sa tanggapan ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada, tuloy tuloy ang gagawing clearing operations sa lungsod upang maisaayos ang sitwasyon sa trapiko, mapanatiling malinis ang mga lansangan at matiyak ang kaligtasan ng lahat. Bumubuo na rin ng permanenteng solusyon ang lokal na pamahalaan para matugunan ang hinaing ng mga vendors na hindi naman sila mawalan ng pagkakataong maghanap buhay. (Larawan ni Jamie Santos)