Araw ng Kalayaan

Maligayang Araw ng Kalayaan po! Isang daan at dalawampu’t dalawang taon ng kasarinlan. Isang pagpupugay po sa bawat Pilipino, sa katatagan ng loob at pagpupunyagi sa gitna ng krisis na ito. Makakabangon tayong muli. Taas noo, diwang malaya—pinagtibay ng panahon at pagkakataon. – Mayor FRANCISCO “ISKO MORENO” DOMAGOSO

Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila Bukas sa kabila ng ECQ

TINGNAN. Sa kabila ng pagpapatuloy ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), patuloy pa rin po ang pagtanggap ng mga FRONTLINERS ng Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila ng pagpaparehistro sa tamang oras (Timely Registration) ng mga Katunayan ng Kapanganakan (Birth Certificates) ng mga newly born babies, at ng mga Katunayan ng Kamatayan (Death Certificates).

Kasalang Bayan

Inilunsad ng Manila Civil Registry Office, sa pangunguna ni Atty. Chris Tenorio, ang “Kasalang Bayan 2019” nitong Biyernes, ika-29 ng Nobyembre sa mas pinagandang Mehan Garden. Inihatid ni Manila City Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pangbungad na pananalita, binigyang diin niya ang pagiging sagrado ng kasal at ang kahalagahan nito sa pag-sasama ng continue reading : Kasalang Bayan

Huling Panawagan: Kasalang Bayan 2019

Inaanyayahan ng Tanggapan ng Talaang Sibil ng Maynila ang mga BatangMaynila na sumali sa gaganaping engrandeng Kasalang Bayan 2019 na pangungunahan ng ating Punong Lungsod, Kgg. Francisco “Isko Moreno” Domagoso at ng ating Pangalawang Punong Lungsod, Dra. Maria Sheilah Lacuna-Pangan. Ang Kasalang Bayan ay magaganap sa ika-29 ng Nobyembre, 2019 sa ganap na ika-6 ng gabi sa continue reading : Huling Panawagan: Kasalang Bayan 2019