Barangay Anti-Drug Symposiums, Paiigtingin Ngayong 2018

(By | facebook@mayorjosephestrada)

Kasabay ng muling pagbuhay ng Oplan Tokhang ng PNP, ipagpapatuloy naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Erap ang pagsasagawa ng mga anti-drug symposium sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Ayon kay Erap, epektibo ang mga diyalogong ito sa mga komunidad dahil naimumulat ng pamahalaan sa mga tao ang masamang epekto ng droga hindi lang sa kanilang pamilya at sarili kundi pati na rin sa bansa.

“Binibigyang-diin natin na ang mga drug dependents ay biktima rin at atin silang tutulungang magbagong-buhay muli,” sabi ni Mayor Erap, “habang tinatanim natin sa kaisipan ng bawat Manilenyo na walang mabubuting maganda sa kanila ang pagggamit ng droga.”

Ang barangay anti-drug symposium ay isinasagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government (DILG), at mga resource persons mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Manila Health Department (MHD), Manila Department of Social Welfare (MDSW), at Manila Police District (MPD).