Bagong Partners sa 4Ps

Si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada ang nanguna sa pag-welcome sa mahigit 1,000 bagong parent leaders na tutulong sa lokal na pamahalaan, DSWD, MSWD at iba pang stakeholders sa pagsulong ng matagumpay na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa lungsod ng Maynila. Ani Mayor Erap, malaki ang maitutulong ng mga parent leaders dahil madali silang makonsulta ng kanilang mga kasamahan sa komunidad, at mamo-monitor din nila na nasusunod ng mga grantees ang mga kundisyon ng 4Ps. (Larawan ni Joel Santos)