TINGNAN: PDO, Nagsagawa ng cleaning operation sa Kalaw Center Island

Bilang parte ng kanilang pangangalaga sa mga center island ng Lungsod ng Maynila ay nagsagawa ng cleaning, weeding at trimming operation ang mga kawani ng Parks Development Office (PDO) Operation Group 6 ngayong araw sa Kalaw Center Island.Mula Maria Orosa St. hanggang M.H. Del Pilar ay nilinis ng mga kawani ng PDO ang nasabing center island, at nagsagawa rin ng cultivation ng garden soil upang mapangalagaan ang mga halaman dito. -MPIO