TINGNAN: Nagsagawa ng COVID-19 vaccination simulation exercise ang Ospital ng Tondo (OsTon) ngayong araw, ika-19 ng Pebrero sa pangunguna ni OsTon Director Dr. Myrna Paloma.

Ang simulation exercise ay nagsimula sa pagkuha ng COVID-19 vaccines sa Sta. Ana Hospital Storage Facility.

Sinundan ito ng pagsasaayos ng mga bakuna sa vaccination area ng OsTon at pagpapakita sa mismong proseso ng pagturok ng bakuna.

Tiniyak din ng pamunuan ng OsTon ang paglalaan ng oras para obserbahan ang mga kawani na ‘nabakunahan’ sa naturang simulation exercise.

Kaugnay nito, nagpapatuloy din ang kampanya ng OsTon tungo sa pagpapataas ng vaccine confidence ng mga kawani nito. (Photos by K R De Asis/MPIO)