TINGNAN: Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kasama si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pagbubukas ng “Manila, Then and Now,” isang exhibit na tampok ang mga gamit mula sa gyera na pinangangalagaan ngayon ng Hukbong Mandaragat.

Lubos na nagpapasalamat ang Department of Tourism, Culture and Arts of Manila sa Philippine Navy Museum Affairs Office at TSKP-Tagapagtaguyod ng Sining at Kultura ng Pilipinas sa pagpapahiram ng mga mahahalagang gamit sa kasaysayan ng Lungsod ng Maynila. (Report by DTCAM | Photos by Christian Turingan/MPIO)