TINGNAN: Nakahanda na ang Abad Santos High School at P. Guevarra Elementary School covered courts na magsisilbing evacuation centers ng 600 na pamilyang apektado ng sunog kagabi, ika-20 ng Pebrero, sa Gate 20 ng Parola Compound sa Tondo, Manila.

Ayon kay Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Re Fugoso, mamamahagi ng relief goods at hot meals ang MDSW sa lahat ng mga indibidwal sa evacuation centers.

Pinasalamatan din ni Dir. Fugoso ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na pinangungunahan ni Dir. Arnel Angeles sa maagap na pagtatayo nila ng modular tents sa Abad Santos High School at P. Guevarra Elementary School covered courts.

Samantala, nakaalerto na rin ang MDSW Rescue Team sakaling may mga residenteng mangailangan ng paunang medical assistance.

Nakatutok naman ang social workers at daycare teachers sa pangangasiwa sa evacuation centers at pagtitiyak na nasa maayos na kalagayan ang mga pamilyang apektado ng naturang insidente.