TINGNAN: Umabot na sa 70,620 na mga indibidwal ang sumailalim sa libreng mass swab testing ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

22,446 dito ay nailaan para sa mga market vendors, mall workers, hotel employees at mga public transport drivers ng siyudad.1,037 naman na mga indibidwal ang sumailalim sa home swabbing, 396 sa drive-thru RT-PCR swab testing sa Quirino Grandstand at 1,719 para sa mga balik-Maynila na umuwi sa kani-kanilang mga probinsya noong Disyembre 2020.

Ang naturang libreng mass swab testing ay pinangangasiwaan ng mga kawani ng MHD at ng anim na district hospitals ng lungsod.

Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, layunin ng libreng mass swab testing na mabigyan ng kapanatagan ang mga mamamayan at matiyak ang kanilang kaligtasan laban sa banta ng COVID-19.