TINGNAN: Nagsagawa ng swimming pool inspection ang ilang Philippine Water polo coaches at players kasama ang mga kawani ng Manila Sports Council (MASCO) ngayong araw, ika-28 ng Enero.Kabilang dito sina Coach Dale Evangelista, Coach Ricardo Dilapdilap, Roy Cañete, Tani Gomez, at Mark Jerwin Valde.

Sa pangunguna ni MASCO Officer-in-Charge Roel de Guzman, binisita nila ang mga bagong ayos na pasilidad ng lungsod sa Vitas Aquatic Complex, Andalucia Complex, Dapitan Complex, JCC Complex, at Bagong Buhay Complex.

Ang naturang swimming pool inspection ay bahagi ng paghahanda ng MASCO sa pagbubuo Batang Maynila Water polo Team sa lahat ng distrito ng siyudad.