CITY HEALTH ADVISORY: Ilulunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang libreng drive-thru RT-PCR swab testing sa Quirino Grandstand simula Lunes, ika-18 ng Enero, upang lalong matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa banta ng COVID-19.

Sa pangunguna ng Manila Health Department (MHD), 100 na katao ang sasailalim sa naturang swab testing kada araw.

Lahat ng mga nais magpa swab test ay kinakailangan mag-schedule ng appointment sa Manila Emergency Operation Center ng MHD.

I-contact lamang ang mga sumusunod na numero:
09052423327
09983226367
09636023177
09555875976