Nagkaroon ng ceremonial turnover kahapon sa Barangay 128 at Barangay 105 kung saan pormal na pinamahagi nila Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang mga Christmas food packs sa nasabing barangay.

Ayon sa mga barangay chairman ay “house-to-house” ang kanilang paraan ng pamamahagi ng mga Christmas food packs para sa kanilang nasasakupan, habang ang ibang barangay ay 20 persons ang unang tatawagin sa barangay upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.