TINGNAN: Nagpulong ngayong Lunes, ika-28 ng Disyembre ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at ang Manila Police District (MPD) upang mapaghandaan ang sitwasyon sa ika-124 na pagdiriwang ng Rizal Day sa lungsod.

Inatasan ang MTPB na maglabas mg abiso kung sakaling kailanganin ng alternate routes sa nasabing araw. Mahigpit ding ipatutupad ang minimum health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask at face shield.