Matagumpay na idinaos ngayon gabi, Disyembre 13, ang pinaka bonggang online concert ng taon tampok ang mga awitin ng Hotdogs o mas kilala bilang Manila sounds.

Sa kabuuan, mahigit 120k manonood sa pinagsamang bilang ng facebook page ni Mayor Isko Moreno Domagoso at Department of Tourism, Culture and Arts of Manila ang nakasaksi ng pambihirang concert na ito.

Napanood rin ito sa mga facebook pages ng Department of Tourism, National Parks Development Committee, Intramuros Administration, Nayong Pilipino Foundation, National Museum of the Philippines at Museo Pambata.Ilan sa mga mangaawit na bahagi ng programa ay sina Raymund Marasigan, Ebe Dancel, Armi Millare, Yeng Constantino, Blaster Silonga, Nicole Laurel Asensio, Bing Austria, Bea Lorenzo, Rubber Inc., Gary Valenciano at Brass Pas Pas Pas Pas.