“Nais ko pong ibahagi sa bawat Manileño ang katuparan ng ating pangakong Advanced Cardiac Life support (ACLS) ambulances para sa Lungsod ng Maynila.”

“Labindalawang units po ito at atin po itong ilalaan para sa district hospitals ng lungsod at para sa emergency operations ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). “

“Ang buhay ng bawat Manileño ay mahalaga, mas lalo po nating pagbubutihin ang ating serbisyo lalong lalo na sa aspeto ng pampublikong kalusugan. Manila, God first!”

– Mayor Isko Moreno