TINGNAN: Pormal na nanumpa ang mga bagong halal na kabataan para sa bagong tatag na Manila Council for the Protection of Children (MCPC)Layunin ng MCPC na proteksyunan at mapangalagaan ang mga karapatan at kapakanan ng mga Batang Maynila sa lungsod.

Kinilala ang mga bagong lider ng lungsod na sina:

District 1 – Jerome Francisco Bgy 101

District 2 – Michen Maricon Biala Bgy 216

District 3 – Rhiane S. Rico Bgy 387

District 4 – Giovanni Edgar Reyes Bgy 491

District 5 – Shanice Cavite Bgy 657

District 6 – Jan Angelique Tigue Bgy 897

Ayon kay Re Fugoso, Director ng Manila Department of Social Welfare, isa rin sa layunin ng pagkakatatag ng MCPC na tulungan ang mga Batang Maynila na maging mulat sa kanilang mga karapatan.