NEWS ALERT: Extended na ang pagbabayad ng real property tax, transfer tax at business tax sa Lungsod ng Maynila para sa first at second quarter installment hanggang June 30, 2020.

Inanunsyo ito ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Facebook Live matapos niyang pirmahan ang mga ordinansang nagpapalawig ng deadline ng pagbabayad ng tax.

Ayon kay Domagoso, ito ay magsisilbing tulong sa mga taxpayers ng lungsod habang nilalabanan ng bansa ang paglaganap ng coronavirus disease o COVID-19.